Buddy
Story By Kahlil G. Pamatian
Chapter one
Naranasan mo na bang maghanap ng isang tunay na
kaibigan? Yung bang nariyan sa lahat ng oras at minuto upang damayan ka sa oras
ng nang pangangailangan mo? Damayan ka sa Pag-iisa? Damayan ka sa kalungkutang
dinadala mo?
Isang kwentong magbibigay pag-asa at inspirasyon sa
mga taong nawawalan ng pag-asa pagdating sa paghahanap ng mga totoong kaibigan.
Saint Joseph University
(papasok ng Gate ng School, mula sa gate
masususlyapan mo ang mga gwardyang walang humpay sa pagtrabaho at pag ngiti
didirestyo sa quadrangle ng school si carlo )
Umaga nuon ng huwebes, sobrang kay ganda ng sikat ni
haring araw, kay saya ng mga pangyayari na di mo sukat akalaing darating sa
buhay mo, ewan di ko din alam kung paano at ano? Basta ang alam ko lang masaya
ako sa mga dumarating sa buhay ko.
(ang buong paligid ay puno ng mga Estudyante na
palakad dito at palakad roon, isa isang pinapakita ang iba’t ibang mukha ng mga
magbabarkada at tipo ng mga Barkada)
Scene 1
OSA OFFICE
(nakasuot ng Gray na uniporme itim na pantalon, itim
na sapatas black na back at nakatayong
buhok, papasok nang opisina ibaba ang bag at mga ilang gamit uupo sa Officers
table, kukunin ang laptop sa bag at ito’y bubuksan, hahawak sa noo, tila
mapapaisip ng kung anu anu, Papasok naman ang isa sa mga guro ng institution
isang gurong medyo kalbo na kala mo weirdo pero yun pala’y mabait )
Sir Bernard: (uupo at pipikit konti habang pinupunasan nang bimpo ang kanyang ulo
) Hay grabe nakakapagod at sobrang init.
Carlo: ba’t saan ka po ba galing sir? Mukhang di
maipinta yang aura mo ngayon? (habang hawak ang mouse ng kanyang laptop at nag
iisip ng pwedeng isulat)
Sir Bernard: (mapapatingin kay Carlo sabay babawi ng
tingin) saan pa nga ba? Sa practice ng basketball nga pala kamusta ka naman?
Carlo: (mapapahinto sa kanyang ginagawa tatayo at
kakausapin ang guro) ayus na ayus naman po ako sir, kahit paano, kahit
nahihirapan. (bumalik sa kanyang pwesto)
Sir Bernard: (mapapailing) sigurado ka ba?
Napapansin na nga naming na palaging Pag-aaral at yang leadership yang
inaatupag mo?
Hindi na nakapagsalita pa natahimik nalang at
pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Papasok din naman sa loob ang isa pang
gurong sabihin nalang nating di maintindihan kung anu siya, (di naman sa ganung
isipin) nakasuot ng blue uniform na may pink bag at nakataas ang kanyang buhok)
Sir Roven: (ibaba ang mga super-duper wagas na gamit
sa kanyang teachers table susulyapan si Carlo at kakausapin) oh hello Carlo!
Kamusta ka naman? Mukhang di ka na maintindihan sa mga ginagawa mo? (uupo sa
kanyang upuan)
Sususlyap lamang si Carlo sa kanya ipagpapatuloy ang
kanyang ginagawa sa harap ng laptop, ndi niya lubos maisip kung anu pa bang
dapat gawin at wala siyang masimulan sa dapat niyang gawin nakahawak ang kanang
kamay sa kanyang nuo iababaling nanaman
ng ni Sir roven sa kanya ang atensiyon
Sir Roven:
anu bang nangyayari sayo? Mukhang (tatayo at titignan kung anu ang
ginagawa ko)
Hay naku naman Carlo umayus ka nga anu bang gusto
mong gawin sa buhay mo?
Tahimik lang siya
nag-iisip naisipan niyang umalis
muna ng opisina magpunta kung saan sa kanilang
paaralan, ang kaninang masayang mukha’y napalitan nang lungkot na
sadyang di mainitindihan, lungkot na siyang magbibigay sa kanya ng kahinaan.
Habang palakad lakad siya sa kanilang campus nakikita sa kanyang mga mukhang di
maipinta na sadyang may iniisip siya. Naupo sa isang gilid nag-iisa tila nais
lumabas ng mga luha sa kanyang mga mata ngunit kanya itong pinipigilan. Sinusulyapan ang ilang mga estudyante na may
mga kasamang barkada ilan may mga best friend na kasama na sobrang enjoy lang
sila.
Carlo: (medyo yumuko at iniangat din ang ulo
nagpunas ng mga mata) Kelan ko mahahanap ang isang tunay na kaibigan? Kelan ko
masusubukan yung di ko pa nasubukang magsaya kasama ang isang tunay na
kaibigan. (hindi niya napansin na nahulog ang isang papael na naglalaman
ng”WANTED TRUE FRIEND NO QUALIFICATION BASTA MASAYANG KASAMA AT MAUNAWAAIN
HERE’s My Number so Call me maybe, and this part of a necklace is ibibigay ko
sa kanya)
Sa kanyang pagtayo nilisan niya ang lugar na kung
saan dun makikita ng isang etudyante ang papel kaniya naman itong binasa
nagulhan na di maintindihan ang nilalaman ng Papel tila nagsambit ng isang
kataga
Estudyante: anu naman kayang nasa isip ni Mr
President? Tinotopak na ba siya? (tinapon naman niya yung papel sa mesa.)
Nakita din ng mga ilang estudyante at ganun din ang
sinabi hanggat nakita naman ito ni Rayver, si rayver ay parehas din ni Carlo,
naghahanap din ng kaibigan na tunay, sadyang magkaparehas lang sila ng
sitwasyon.
Castillo’s house
(pumasok siya sa loobng bahay, balisa makikita naman
siya ng kanyang pinsan kakausapin habang kumakain naman ito uupo naman sa sofa
si Carlo )
Marvin: (kumakain nang tinapay habang nanunuod ng
Cartoons sa TV at kanya nanamng mapapansin si Carlo at kakausapin) Oh kuya?
Ba’t sadyang napakalungkot mo? Anung meron?
Carlo (bubuntung hininga medyo malalim ang iniisip)
wala lang ito pagod lang isguro ako
Marvin (kukunot ang nuo ibaba ang kinakaing tinapay
haharap sa pinsan) PAGOD? Ikaw pagod? Kuya? Kilala kita alam ko kung anung problema
mo
Carlo (titingin sa pinsan at babawiin din ang
tingin) oh alam mo din pala? Ba’t tatanungin mo pa? ayus ka din anu? (tatayo at
didirestyo sa kanyang kwarto)
Pagpasok sa kanyang kwarto ibaba niya ang kanyang
bag magtatangal ng inuporme, magbibihis ng damit at hihiga sa kama mapapapikit
siya at makakatulog di niya mapapansin na nakailang tawag na sa kanyang
Cellphone at text si rayver, alas 5 na nang hapon nang siya’y nagising at
kanyan namang tinignan ang kanyang
Cellphone at Binasa ang mga messages na nilalaman ng Kanyang Cellphone
Carlo: (magugulat) ha? 25 text messages and missed
calls? Sinu naman toh? Saan naman niya nakuha number ko?
Ang nilalaman ng 25 text messages na iyon ay.
Hi Mr SSC President, or I mean Carlo ako nga po pala
si Rayver Mendoza nakuha ko yung number
mo dun sa papel na naiwan o nahulog mo duon sa isang pinag uupuan sa school, at
nabsa ko nga yung nilalaman nun na naghahanap ka nang kaibigan?
Ako rin naghahanap din ako ng kaibigan tulad mo
nararanasana ko mga nararanasan mo, siguro nga parehas tayo alam ko takbo ng
ganung bagay na pag naiiwan o inniwan ng mga nagiging jaibigan.
Masakit diba? Pero dapat tiisin dapt maintindihan.
Kung ayus lang sayo pwede ba kitang maging kaibigan?
Rereplyan sana ni Carlo ang mga mensaheng iyon pero
CHECK OPERATOR na pala siya at wala na pala isyang load
Carlo: oh well saying ( drops his phone and tumayo
patungong kusina nagulat siya sa nakita niya)
Advance 22nd Birthday Carlo From ma’am
and Dad, yan ang nakasulat sa kanilang ref
Marvin: (kakalabas ng banyo) oh kuya gising ka na
pala nga pala kakadating at kakaalis lang nila tita at tito kanina, biyaheng
Taiwan sila di ka na nila ginising pa at alam nilang pagod ka.
Carlo: (uupo) hays ilang birthdays ko nang di ko
sila kasama ah nakakainis naman yung ganto, every year ko nalang sineselebrate
birthday ko na magisa ako.
Sa kanyang pag kainis nagbukas siya ng kanyang
laptop na nakapatong sa study table, binuksan niya ang kanyang Facebook Account
nagulat nanaman siya nang nakita niyang inadd siya ni Rayver sa kanyang account
Carlo: (gulat napaisip ) Rayver Mendoza, friend
request and A brother request? Sinu ba to di ko maintindihan. Nag message pa
“ just added you Bro, and nga pala happy birthday
bukas nay un.”
Nireplyan naman ni Carlo
“who are you? (not knowing nan aka online pala si
Rayver at nag reply)
“I’am Rayver Deleon Mendoza po”( nagulat si Carlo)
“aww, you’re online pala, sa SJU ka din ba nag
aaral? What year mo na? at what Course?”
“1st year Accountancy Student rin po ng
SJU kayu po ba diba 2nd year student at Mass communication ang
course, lagi ko nga po kayung naririnig sa radio eh, ang cool lang po talaga
nun.
Di na nagreply si Karlo sa kanya.
(fade)
Kinabukasan naman sa Saint Joseph School tahimik ang
buong paligid parang walang gaanong tao ang SJU sa dahilang half day lang ang
pasok kapag biyernes, mangilan ngilan lang ang makikita mong Estudyanteng
naroon. Kahit ganun naroon parin si Carlo para gawin ang mga bagay na dapat
gawin. Di na niya inisip na kaarawan niya nung mga araw na iyon. Dahil sanay na
siya na magbirthday na di niya ito iniisip. Direstyo naman siya sa knilang SSC
office na andun din naman ang kanyang mga officers na super busy, dahan dahan
isyang pumasok umupo at yumuko sa mesa, medyo pagod na inaantok kakapain ang
kanyang Cellphone makikita ang message na galing muli kay Rayver, at kanyang
babasahin ang message “Happy birthday Bro God bless you!!!” di na papasinin pa
ang iab pang messages sa cellphone niya, naisipan naman niyang magpunta ng
kanilang school canteen upang mag meryenda
School Canteen
Naroon naman si Ate Elisha anak ng may ari ng
school, isa sa mga kaibigan ni Carlo na nakakaintindi sa kanya.
Ate Elisha: (nagsusuklay at nakaupo sa harap ng
service cashier nakita niya si Carlo at kinausap) mukhang di ata maganda ang
birthday mo nagyun ah? Happy 22nd birthday
Carlo ( ngigitian si Ate Elisha ) thank you te,
Ate Elisha ( may naalala ) ay nga pala may
nagpapabigay sayo nito. Birthday Card at Gift
Carlo (medyo gulat na gulat na di makapaniwala)
Birthday Card at birthday Gift? Sinu naman magbibigay niyan saakin? Wow huh
first time (binuksan ang Card at “happy birthday Mr. Castillo hoping to have
your birthday a very blessed one enjoy
Rayver”
Si Rayver? Hmmmpt what does it mean?
Ate Elisha: ewan ko pero kahapon magkausap kami,
since alam niya na lagi ka ditong kumakain. So He asked me to tell more about
you. So ayun kwinento ko kung ganu ka kabaait sa kanya (nagsalamin)
Carlo: (di masayadong makapagsalita) sinu ba ung
taong yun? (naisipan niyang bumalik sa opis)
Naisipan niyang tignan sa bag kung naroon pa ba yung
papel pero wala na nga, and he found out na may butas pala yung bag niya kung
saan nakalagay yung papel at kapiraso ng Friendship necklace, hindi na siya
nagpatagal pa at pinuntahan niya yung place kung saan niya nahulog yung papel.
Sa kanyang paghahanap naroon din si Rayver Mendoza hawak hawk yung Papel at
Yung Friendship Necklace.
Rayver: (hawak at itinass ang necklace) looking for
this Mr Castillo?
Carlo: (nagulat) bat nasayo yan? Anu bang kelangan
mo?
Rayver: (ngumiti) anung anu? Baka naman bakit?
Carlo (nagugulhan) ba’t anu bang?
Rayver: ( tumawa) alam mo kuya, wag ka nang mag
kaila pa, in this paper, nakasulat you’r looking for a good friend? Right? So
meaning ako nakapulot nito so ako na yung….
Carlo: wag mong sabihing ikaw ang kaibigan ko? I’m
not sure yet. I’m too busy being
Rayver: (kamot ulo) busy being the SSC President?
Come on kuya, make time for yourself in things na maeenjoy mo.
Carlo: whatever! KDOT pwede ba Mr. Mendoza layu
layuan mo ako? Di pa nga kita kilala and nag aasume ka na kaibigan na kita.
(umalis)
Pero kahit ganun ang gawin ni Carlo kay Rayver,
hindi parin sumusuko si Rayver para maging kaibigan si Carlo. Sinusundan sundan
niya ito kung saan magpunta si Carlo, hangga’t dumating yung time na may di
inaasahang mangyari
Busy ang lahat sa pag prepare sa darating na Student
week ng School, preparing para sa mga dapat gawin, so ang nangyari niyan
maghapon at magdamag na silang nasa school with the candidates as well. Nagsi
uwi na ang lahat at mag isang umuwi si Carlo wala nang masakyan ng mga oras na
iyon kaya naisipan niyang maglakad nalang para maenjoy niya ang pag uwi pero sa
kanyang paglalakad may isang pangyayaring di magiging masaya para sa kanya pero
tutulungan siya ni Rayver
Sa kanyang paglalakad.
Holdaper: Holdap to, wag ka kikilos wag kang gagalaw
bigay mo saakinlahat ng nasa iyo. (tinututok sa kanyang likod ang baril)
Hindi naman makagalaw siCarlo at di alam ang gagawin
sa mga sandaling iyon, di na magawang lumaban at magamit ang kanyang angking
galing sa martial arts at taekwondo dahil napapaisip siyang may mangyari.
Carlo: (nanginginig) kuya wag please maawa ka po
today is my day wag pong
Hanggang sa natumba pahiga ang holdaper
Rayver: ( pinapagpagang mga kamay) ok ka lang mr.
Castillo?
Carlo: (Tulala) HUH
Rayver: (Inulit ang sinabi) ang sabi ko ok ka lang?
ba?
Carlo: (tumayo nagpagpag ng pantalon) OO ok lang ako
pero bat anu bang pakay mo at sinusundan mo ako?
Rayver: (tumawa) kuya sabi ko nga sayo di ako
titigil hanggat di kita napapayag maging kaibigan ko?
Wala na masabi si Carlo ng mga sandalingiyon di niya
alam kung anung dapat sabihin o dapat gawin medyo napaisip siya.